Jan 15, 2026
--:--
--:--
--°

Chessmasters Nagpamalas ng Comeback sa ISU-I Intramurals 2025

T
Author
The Newsette
October 11, 2025
4:10 AM
Chessmasters Nagpamalas ng Comeback sa ISU-I Intramurals 2025

Naging sentro ng mainit na pasiklaban ng isipan ang ISU-Ilagan Library matapos magtagisan ng talino at diskarte ang mga estudyanteng kalahok sa Chess Tournament ng taunang Intramurals 2025, nitong Oktubre 9.

 

Sa isang araw na punô ng tensyon, kalkulasyon, at tahimik na bakbakan, ipinamalas ng mga manlalaro ang kanilang talas sa pag-aanalisa ng bawat galaw—at ilan sa kanila ay nagawang bumawi mula sa pagkatalo upang masungkit ang kampeonato.

 

Sa Women’s Category, itinanghal na kampeon si Angelyn J. Coloma ng Fire Nation matapos nitong masunggaban ang pagkakataon nang mapansin ang threefold repetition ng kalaban, dahilan upang makuha ang panalo.

 

“Nag-three repetition po yung kalaban, binilang ko po yun kaya sinabi ko agad sa nagfa-facilitate. Talo na dapat ako,” ani Coloma, na hindi maitago ang saya sa hindi inaasahang panalo.

 

Nakamit ni Frances Hannadhel M. Cabungcal ng Air Nomads ang pilak, habang sinundan ito ng kababayan niyang si Shayla T. Victorio, na tanso naman ang nasungkit.

 

Samantala, sa Men’s Category, naghari si Jeffree Lee Diaz ng Air Nomads matapos magpakita ng matinding comeback sa krusyal na yugto ng tie-breaker match, dahilan upang maselyuhan ang kampeonato.

 

“Kaninang umaga, hindi maganda ang simula ko dahil natalo ako sa unang laro,” ani Diaz. “Pero nakabawi ako sa finals at nanalo ng dalawang beses, kaya nakuha ko ang kampeonato.”

 

Nakuha ni Craig Martin A. Macaraig ng Earth Kingdom ang pilak, samantalang nasungkit ni Tjay Pacis ng Air Nomads ang tansong medalya.

 

Sulat ni Ma. Isabel Seril

Share this article
Share on Facebook